Pinoy Corner – May Highlights

Remit2Home Blog - Philippines - Remit2Home Pinoy Corner Ms. Earth 2014 - Send money to philippines via remit2home

Remit2Home Pinoy Corner Ms. Earth 2014

19 Taong gulang na Cebuana, Kandidata ng Pilipinas sa Ms. Earth 2014

Isang 19-taong gulang na si Jamie Herrell mula sa Lungsod ng Cebu ang pinangalanang Miss Philippines Earth 2014 sa ginanap na beauty pageant sa SM Mall of Asia Arena noong Mayo 11. Tinalo ni Herrell ang 49 iba pang mga kalahok sa naturang pageant at sya ang magiging kinatawan ng bansa sa International Ms. Earth pageant na gaganapin ngayong taon. Ang Pilipinas ay nanalo sa Miss Earth ng isang beses noong taong 2008. Ang Miss Earth na nagsimula noong 2001, ay itinuturing na kabilang sa apat na pinakamalaking beauty Pageant sa buong mundo, kasama ang mga Miss Universe, Miss World, at Miss International.

Remit2Home Blog - Philippines - Remit2Home Pinoy Corner Pinay Chef sa Whitehouse - Send money to philippines via remit2home

Remit2Home Blog – Pinoy Corner – Pinay Chef sa Whitehouse

Pinay Chef sa Whitehouse, pinasasalamatan ni Pres. Obama

Sa ginanap na State Dinner sa Malacañang sa karangalan ng US President na si Barack Obama, pinasalamatan nya ang pinay chef sa Whitehouse na si Cris Comerford na nagtatrabaho sa White House mula pa noong 1995. Ayon kay US President Obama, paminsan minsan ay nakakain sila at ang kanyang pamilya sa White House ng lumpia at adobo,” mga pagkaing Pilipino na inihanda ni Cris sa kanila, mga pagkaing pinoy na nag-uugnay sa Amerika at Pilipinas. Si Cris ay ang kauna-unahang babae upang maging White House executive chef. Sya ay lumaki sa Sampaloc, Maynila. Bilang chef sa Head of State, si Cris Comerford ay miyembro ng Le Club des Chefs des Chefs.

Remit2Home Blog - Philippines - Remit2Home Pinoy Corner E-pasaporte na may detached covers - Send money to philippines via remit2home

Remit2Home Blog – Pinoy Corner – E-pasaporte

E-pasaporte na may detached covers, papalitan ng DFA

Ang mga taong may hawak na e-passports at natatanggal ang mga cover ay maaaring papalitan ang kanilang e-passports ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ayon sa pahayag ng DFA, ang mga e-passports na may mga serial number EB0000001 hanggang EB1267350 na may mga detached covers ay maaaring ipakita ang kanilang mga pasaporte sa Opisina ng Konsul o DFA-Aseana, o sa pinakamalapit na Satellite o Consular Regional Office. Ayon sa ulat ni DFA spokesman Charles Jose, sa mahigit na 10 milyong pasaporte na inisyu simula noong Agosto 2009 hanggang Marso 2014, hindi aabot sa 10,000 nasirang pasaporte ang dinala sa atensyon ng DFA.

Remit2Home Blog - Philippines - Pinoy Corner - Mga Jobless sa Pinas bumaba  - Send money to philippines via remit2home

Remit2Home Blog – Pinoy Corner – Mga Jobless sa Pinas bumaba

Mga Jobless sa Pinas bumaba sa 25.7 % mula sa 27.5%

Ayon sa pinakahuling survey kamakailan ng Social Weather Stations ang bilang ng mga walang trabaho na mga Pilipino sa bansa ay bumaba noong 4th quarter noong nakaraang taon. Ang survey na unang inilathala sa BusinessWorld, ipinapakita na ang kawalang trabaho ay bumaba sa 25.7 porsyento, katumbas ng 11,500,000 mga Pilipino, kumpara sa nakaraang 4th quarter na 12,000,000 (27.5 porsyento). Ipinapakita din sa survey na ang mga taong walang pinapasukan ay pinangungunahan ng mga taong kusang-loob na iniwan ang kanilang mga trabaho (11.4 porsyento o 5,100,000), habang ang ilan ay retrenched (10.7 porsyento o 4,800,000). Ang nasabing survey ay sinagot ng 1,200 na mga respondents. Ayon pa sa nasabing ulat, 36% ay umaasang may darating na mga job openings sa loob ng 12 na buwan, at 23% naman ay nagsasabi na kakaunti lamang ang mga bakanteng trabaho.

Send money to Philippines via Remit2Home – Safe Money Transfers Worldwidehttp://www.remit2home.com

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s