Pinoy Corner – April Highlights

Pilipinas, no. 8 sa pinaka “smiliest” sa mundo

Hindi lamang ang Pilipinas ay tahanan ng mga “selfiest ” ito rin ay kabilang sa mga “smiliest” na bansa ayon sa ulat ng social media-based travel app. Ang Pilipinas ay pasok sa ika-8 sa listahan ng Jetpac na “Pinakamasayang Bansa sa Mundo “. Ang ulat ay batay sa aktwal na mga ngiti ng mahigit sa 150,000,000 larawang ibinahagi ng mga tao sa Instagram. Ang Pilipinas ay nakapuntos ng 44.8 puntos at tanging bansa sa labas ng America na pasok sa nangungunang sampung bansa. Ang Brazil ang numero uno sa listahan na may iskor na 60.8 puntos.

Remit2Home Blog - Philippines - Top 10 Smiley-est Countries in the World

Top 10 Smiley-est Countries in the World

Top Ten na Smiliest Na Bansa

1. Brazil  -60.8
2. Nicaragua – 59.4
3. Colombia – 49.8
4. Bolivia – 48.1
5. Costa Rica – 47.4
6. Honduras – 47.2
7. Venezuela – 45.2
8. Pilipinas – 44.8
9. Guatemala – 42.0
10. Mexico – 40.1

Tubong North Cotabato ang kandidata sa Miss Universe 2014

Taga-North Cotabato ang magiging pambato ng Pilipinas sa darating na paligsahan – ang Miss Universe 2014. Si Mary Jean Lastimosa, dalawampung anim na taong gulang ay syang napili mula sa 39 na iba pang mga kandidato ng Binibining Pilipinas upang kumatawan sa bansang Pilipinas sa darating na Miss Universe sa taong ito. “Third time a charm” nga raw para kay Lastimosa dahil sya ay dati nang sumali sa pageant. Sya ay runner-up noong 2011 at pasok sa Top 12 noong 2012. Ang kanyang pinakahuling pagsali ay nitong 2014 kung saan sya ay tinanghal na Ms. Universe-Philippines.

Remit2Home Blog - Philippines - Miss Universe 2014 Contestant - Mary Jean Lastimosa

Miss Universe 2014 Contestant – Mary Jean Lastimosa

Michael Martinez nanalo ng Gold sa Triglav Trophy tournament

Ang pinoy na figure skater na si Michael Martinez ay nakakuha ng gintong medalya sa Senior Men’s Division ng Triglav Trophy international figure skating tournament sa Slovenia. Sya ay naka-iskor ng 195.13 puntos mula sa mga hukom ng nasabing paligsahan noong ika-6 ng Abril. Ayon sa ulat, sya ay nagtapos ng kanyang performance na may halos perpektong routine sa kanyang pagganap sa saliw ng “Malaguena” na binuo ni Ernesto Lecuona na taga Cuba. Tinalo ni Martinez ang iba pang mga pambansang kalahok mula sa Japan , Great Britain , Korea, Austria at Norway.

Remit2Home Blog - Philippines - Michael Martinez wins Gold in Figure Skating

Michael Martinez wins Gold in Figure Skating

Pacquiao, tinalo si Bradley sa Boxing

Sa isang napakagaling at matatag na pagganap ni Pacquiao, kanyang nakamit muli ang titulo na WBO welter weight championship sa harap ng 15,601 mga tagahanga sa MGM Grand Garden. Ang 8th division world champ ay hindi binigo ang pro-Pacquiao na mga fans sa matagumpay na laban nito kay Bradley. Iyon ay ang ikawalong straight na laban para kay Pacquiao na nagtapos sa isang desisyon at hindi sa knockout, pero siya ay mas agresibo kaysa sa kanyang mga dating laban. Si Manny ay nagkamit ng $ 20M sa naturang laban. Ang kanyang puntos ay 116-112, 116-112, and 118-110.

Remit2Home Blog - Philippines - Pacquiao - WBO Welter Weight Champion

Pacquiao – WBO Welter Weight Champion

Iloilo City, nagkamit ng Guiness World Record

Ang Pilipinas ay nagkaroon ng panibagong Guinness world record, ito ay para sa may pinakamaraming nag-aalab na torches o kandila sa Oton, sa lalawigan ng Iloilo. Kahit na maulan hindi huminto ang mga Ilonggo at iba pang mgga participants sa pag-iilaw ng halos 57,000 torches upang bumuo ng higanteng imahe, ayon sa ulat. Habang 100,000 torches ang inihanda, 56,680 ay talagang sumindi. Ipinakita sa isang panghimpapawid na camera ang imahe ng Philippine map na nabuo sa pamamagitan ng maliwanag na mga kandila at may mensaheng “World Peace Through Inner Peace”. Tinalo ng Pilipinas ang bansang Pakistan sa Guiness Record kung saan ang Pakistan ay nagkaroon ng titulo noong 2009 bilang may pinakamaraming sinding kandila na umabot sa 35,478.

Remit2Home Blog Philippines - Guinness World Record in Iloilo City

Guinness World Record in Iloilo City

Send money to Philippines via Remit2Home – Safe Money Transfers Worldwidehttp://www.remit2home.com

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s