Pinoy Corner – March 2014

Fil-am, Kauna-unahang Piloto na walang mga kamay

Remit2Home Blog - Philippines - Tagalog - Pinoy Corner

Fil-am, Kauna-unahang Piloto na walang mga kamay

Si Jessica Cox, isang Fil-am na piloto ang kauna-unahang walang kamay sa buong mundo na nakatanggap ng lisensya bilang piloto ng eroplano. Sya ay nabigyan ng maraming parangal sa kanyang tagumpay. Sya ay nagbigay ng napakalaking inspirasyon sa kapwa mga Pilipino na kahit ano man ang kakulangan at kapansanan, kapag merong determinasyon, ito ay maaring makamtan.

Remit2Home Blog - Philippines - Tagalog - Pinoy Corner

Remit2Home Blog – Philippines – Tagalog – Pinoy Corner

Ipinanganak na walang mga kamay, natutunan ni Jessica na mabuhay nang normal gamit ang kanyang mga paa. Bukod sa eroplano, sya ay nagmamaneho gamit ang mga paa, scuba diving, surfing, mag type sa keyboard at magtugtug ng piano na talaga namang kahanga-hanga. Sa edad na 14 , siya ay nagkamit ng kanyang black belt sa International Taekwondo Federation . Dahil sa kanyang mga angking kakayahan, sya ay naging Guinness World Record holder noog 2011 para sa pagiging unang walang kamay na tao sa mundo upang makakuha ng lisensya ng piloto.
Noong 2009, si Cox ay pinangalanan bilang isa sa mga “100 pinaka-maimpluwensyang Pilipinong Babae sa US”. Siya rin ay nanalo bilang “Most Watched Female Aviator” sa AOPA Live Pilots Choice Award. Ang kanyang ina ay nagmula sa Guian , Eastern Samar.

Pinoy na Doktor – First Winner sa “America Meet World” video contest

Remit2Home blog - Philippines - Pinoy Corner - “America Meet World” video contest

“America Meet World” video contest winner

Isang Pinoy na doktor-komedyante ang kauna-unahang nagwagi sa “America Meet World” video contest, isang pandaigdigang paligsahan sa komedya na sinalihan ng mahigit sa isandaaang mga kalahok mula sa 21 bansa sa buong mundo. Si Nathaniel ‘NACE’ Cruz ay nagwagi sa kanyang entry na “Junjun ang Pulubing Aktibo Sa Social Network episode 1 Gutom. Ang nasabing video ay nagpapakita ng isang pulubi na gutom ngunit marunong, mahilig, at aktibo sa mga social sites.

Makati at Pasig, ‘Selfie Capital ng Mundo’ ayon sa TIME

Remit2Home Blog - Philippines - The selfie phenomenon

Remit2Home Blog – The selfie phenomenon

Ayon sa isang pagsusuri ng daan-daang libo-libong mga selfies, low-fi at mga self-shot na mga litrato ng mga social media users – ang lungsod ng Makati at Pasig ang nangunguna sa pagkuha ng mga “selfie” na larawan mahigit pa man sa anumang bansa sa mundo “sabi ni Chris Wilson ng TIME Magazine hinggil sa Makati, business center sa bansa.

Ayon pa sa ulat, ang sinabing pag-aaral ng TIMe ay sumakop sa 459 mga lungsod sa buong mundo at binuo gamit ang isang database ng higit sa 400,000 Instagram na mga larawan na may tag na terminong “selfie” at kasama rin ang mga geographic coordinates, at dahil dito inihayag na ang lungsod ng Makati at Pasig ay merong 258 selfie-takers bawat 100,000 tao. Pasok din ang Cebu na pumuwesto sa ika no. 9 na merong 99 selfie-takers bawat 100,000 tao.

Remit2Home Blog - Philippines - Group Selfie

Remit2Home – Group Selfie

Tubong Igorot – may mataas na tungkulin sa UN

Si Vicky Tauli-Corpuz, tubong Igorot mula sa tribu ng Kankana-ey sa Besao, Mountain Province ang syang kauna-unahang babae at “indigenous person” mula sa Pilipinas ang uupo sa pwesto sa UN na dati ay ginagampanan lamang ng kalalakihan. Sya ay hinirang at napili noong ika-3 ng Marso sa pwesto bilang United Nations (UN) Special Rapporteur on the Rights of Indigenous People. Kahit napakarami at napakalakas ng kanyang mga kalaban sa nasabing posisyon, sya ang napili bilang isang espesyal na rapporteur. Si Corpuz ay mag-uulat sa mga itwasyon ng iba’t-ibang indigenous people (IP) sa buong mundo , tatalakayin ang mga karapatang pantao, tugunan ang mga paglabag sa kanilang mga karapatan sa pamamagitan ng komunikasyon sa mga pamahalaan, at magsulong ng magandang mga kasanayan sa proteksyon para sa karapatan ng mga katutubo.

Remit2Home - Tubong Igorot – may mataas na tungkulin sa UN

Tubong Igorot – may mataas na tungkulin sa UN

Send money to Philippines via Remit2Homehttp://www.remit2home.com

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s