Pinoy Corner – Feb 2014

Hi-tech na pasaporte “E-passport” para sa mga Pinoy

Ang lumang pasaporte ng Pilipinas na may kulay berde o kaya’y maroon na pasaporte ay nakatakdang papalitan ng hi-tech na pasaporte o E-pasport sa pagsapit ng taong 2015. Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang tanging E-passport lamang ang tatanggapin simula sa buwan ng Oktubre sa taong 2015. Ang E-passport ay pasaporte na merong micro-chip sa mga pahina nito kung saan naroroon ang record ng may-ari katulad ng biometrics nito, unique chip identification number, at digital signature na nagpapatunay sa katotohanan ng mga detalye na nakapaloob sa micro-chip.

Remit2Home Blog - Hi-tech na pasaporte “E-passport” para sa mga Pinoy

Hi-tech na pasaporte “E-passport” para sa mga Pinoy

OFW na may work contracts, pwede na bumalik sa Yemen

Ayon sa pahayag ng DFA, ang mga manggagawang umuwi sa Pilipinas dahil sa nangyaring politkal na krisis noon sa Yemen ay maaari na ngayong bumalik at magtrabaho ulit sa Yemen. Mula sa alert level 3 ay ibinaba ng DFA sa level 2 ang sitwasyong nangyayari sa bansang Yemen. Subalit ang maari lamang pumunta sa Yemen ay yaong mga OFWS na dati nang nagtatrabaho doon na hindi pa natatapos ang kontrata. Hindi maaring mag deploy ng mga bagong OFWS sa naturang bansa. Ayon sa ulat ng DFA, may mahigit sa 1,300 na OFWS ang nagtatrabaho sa Yemen sa kasalukuyan.

Remit2Home Blog - Solutions for OFWs

OFW work contracts

OFW Household Service Workers, In-demand sa abroad

Ayon sa ulat ng POEA, pinakamaraming OFWS ang lumabas ng bansa bilang household service workers noong nakaraang taon 2013. Umabot ang bilang ng deployment sa 145,447. Ang mga pangunahing destinasyon ng mga ito ay Hongkong, Singapore, at Saudi Arabia. Pumapangalawa dito ay ang mga waiters at bartenders na may bilang na 13,063, sinusundan ito ng mga nurse na may bilang na 12,656, at mga cleaners at iba pa na may bilang na 10,455. Ayon sa tala, mayroong 419,257 na mga bagong manggawawa ang lumabas ng bansa noong nakaraang taon.

Remit2Home Blog - OFW household workers are in demand

OFW household workers are in demand

Batang Pinay sa Netherlands – finalist sa ‘The Voice”

Napahanga ng isang 12 taong gulang na Pinay sa Netherlands and mga judges ng isang sikat na singing contest, ang “The Voice” sa blind auditions ng naturang show ng kanyang inawit ang “I have nothing” ni Whitmey Houston. Si Katrina Manaog ay syang naging pambato ng mga mamamayang Pinoy dahil sa kanyang napakagaling na performance at sya ay nakapasok sa pangalawang round ng eliminations noong Pebrero 7. Si Katrina ang napiling kumatawan sa koponan nina Nick at Simon matapos nitong matalo ang dalawang ibang mga contestants sa naturang programa. Ayon sa kanya, nag-umpisa sya sa kanyang pag-aawit sa pamamagitan ng karaoke, na syang pinakahiligan ng mga pilipino. Bukod sa magandang boses, siya ay marunong ding mag piano.

Remit2Home Blog - Finalist in - The Voice

Finalist in – The Voice

“Let It Go” ng Frozen Movie- likha ng Fil-am composer

Kung napanood ninyo ang animated movie na “Frozen” at nagustuhan nyo ito, dapat ninyong malaman na nagwagi bilang Best Song sa katatapos lamang na Critics’ Choice Awards ang awiting “Let It Go” na nilikha ng isang Filipino-American composer at kaniyang asawa na sina Robert Lopez at Kristen Anderson-Lopez. Ang “Let It Go” na ginawa nila ay ginamit sa theme song sa patok na animated movie na “Frozen.” Ito ay inawit ng actress at singer-songwriter na si Idina Menzel.

Remit2Home Blog - Frozen Movie

Frozen Movie

Send money to Philippines via Remit2Homehttp://www.remit2home.com

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s