Balitang Pinoy!

Pinoy Caregiver nanalo sa” X-Factor Israel”

Remit2Home Blog - Pinoy Corner January issue

Pinoy Caregiver nanalo sa” X-Factor Israel”

Napakalaking tagumpay para sa mga OFWs sa Israel at sa buong mundo ang pagkapanalo ng isang caregiver na kababayan sa isang reality tv show ang “X Factor Israel”. Si Rose “Osang” Fontanes, 47 years old na pinay ay naging sikat pagkatapos manalo sa first season ng nasabing paligsahan. Ang kanyang awit na “My Way” ni Frank Sinatra ay hinangaan ng mga nanonood at pati na ng mga judges ng nasabing show.

First Astronaut na Pinoy

Remit2Home Blog - Pinoy Corner January 2014 - First Astronaut na Pinoy

First Astronaut na Pinoy

Isang 22 anyos na Psychology student ang napiling maging kauna-unahang pinoy astronaut na lilipad sa kalawakan ngayong taon 2014. Si Chino Roque, isang crossfit coach, ay isa sa 22 mga kalahok na nabigyan ng pagkakataon ng Florida Axe Apollo Space Academy upang maglakbay sa kalawakan sa loob ng 30 minuto sakay sa isang Space Expedition Corporation shuttle. Si Roque ang syang nanalo sa tatlong mga Pilipinong kalahok na sinalihan din ng mahigit isandaang mga kalahok na nagnanais na maging astronaut mula sa 60 bansa sa buong mundo. Ang mga napiling kalahok na maglalakbay sa outer space ay makakatanggap ng tiket na nagkakahalaga ng $95,000 (Php4.18 M) bawat isa at sila ay sasakay sa X-COR Aerospace Lynx Aircraft.

Visa-Free sa mga Filipino Tourists sa Myanmar

Remit2Home Blog - Pinoy Corner January 2014

Visa-Free sa mga Filipino Tourists sa Myanmar

Sa pamamagitan ng MOA na pinirmahan ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at Myanmar Foreign Affairs Minister U Wunna Maung Lwin, ang mga turistang pinoy ay maari nang makapasyal sa Myanmar ng walang visa sa loob ng 14 na araw at ang nasabing kasunduan ay nagsimula noong ika-4 ng Enero ngayong taon. Sinasabi din na dahil dito, ang turismo sa Myanmar ay uunlad pati na ang pangangalakal na industriya sa Pilipinas.

Board Exams Para sa mga OFWS sa Middle East

Remit2Home Blog - January 2014 issue

Board Exams Para sa mga OFWS sa Middle East

Ngayon maaari nang kumuha ng board exams ang mga undergraduates na mga ofws kahit na sila ay nasa Middle East. Ang PRC o Professional Regulation Commission ay nagpatupad ng batas kung saan ang Special Professional Licensure Board Examination (SPLBE) ay maari nang kuhanin sa bansang Qatar, UAE, at KSA. Ang mga OFWS sa mga nasabing bansa ay maari nang kumuha ng licensure exams nang hindi na uuwi ng bansa at iwan ang kani-kanilang mga employers. Ang mga kursong meron nang licensure exams sa abroad ay architects, civil engineers, electrical engineers, certified public accountants, master electricians, electronic engineers, mechanical engineers at nurses. Bisitahin lamang ang PRC website para sa application forms at iba pang mga detalye.

Malaysia Titigil sa pagtanggap ng Foreign Workers Para Sa Mga Fastfood Outlets

Remit2Home blog - Jan 2014 issue

Malaysia Titigil sa pagtanggap ng Foreign Workers Para Sa Mga Fastfood Outlets

Ayon sa utos ng Health Ministry ng Malaysia, ang mga fastfood outlets ay hindi na tatanggap ng foreign workers. Kabilang sa maapektuhan ay ang bansang India, Indonesia, Bangladesh, Pakistan, Cambodia, at baka maapektuhan din ang mga OFWS. Maapektuhan ang mga foreign workers na cooks at waiters sa nasabing bansa. Ayon pa sa balita, ang gobyerno ng Malaysia ay nakahandang umaresto at mag-deport sa mga workers na hindi naayos ang kani-kanilang work status simula Enero 21, 2014 kung kaya’t ang gobyerno ng Pilipinas ay nagpapaalala sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa Malaysia na ayusin na ang kani-kanilang mga work status at visa.

Kauna-unahang Pinoy Figure Skater na Sasali sa Winter Olympics 2014

Kauna-unahang Pinoy Figure Skater na Sasali sa Winter Olympics 2014

Kauna-unahang Pinoy Figure Skater na Sasali sa Winter Olympics 2014

Si Michael Christian Martinez, 17 na taong gulang ang syang kauna-unahang Pinoy Figure Skater na sasali sa Winter Olympic Games 2014 na gaganapin sa Sochi Russia sa buwan ng Pebrero ngayong taon 2014. Siya ay sasali sa men’s singles kung saan ang mga kalahok ay manggagaling sa iba’t ibang mga bansa sa buong mundo. Si Martinez ay panlima sa ranko sa World Junior Figure Skating Championships. Ang sinasabing paligsahan ay sasalihan ng bansang Pilipinas sa unang pagkakataon.

– Send money to your loved ones in Philippines via Remit2Home Online Money Transfer Service.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s