Masskara Sa Bacolod

Festival in Philippines - Masskara Sa Bacolod

Festival in Philippines – Masskara Sa Bacolod


Ang Masskara Festival ay syang pinakamalaking taunang kasiyahan sa Bacolod kung saan ito ay sumasalamin sa mga Bacoleños bilang masayahin, magalakin, at palaging nakangiti. Ang okasyong ito ay nagtatampok ng mga kumpetisyon sa palaro, kultural na mga programa , karnabal , paligsahan sa kagandahan at katalinuhan ng mga Bacoleñong dilag at isang mahabang Mardi grass sa kalye kung saan ang mga tao ay sumasayaw sa kalye at nagkakasiyahan sa indak at saliw sa iba’t ibang tugtog ng musika. Ang MassKara Festival ay nagaganap tuwing ikatlong linggo ng Oktubre at inaabot ng isang linggo. Ang Bacolod City na syang kabisera ng lalawigan ng Negros Occidental ay nagkakaron ng kumpetisyon sa pagsasayaw sa kalye o street dancing kung saan ang mga tao mula sa lahat ng antas ng pamumuhay ay nasa kalye ng syudad at nakikisaliw sa ritmo ng musika, nagpapagandahan ng costume o kasuotan, pagalingan sa sayaw, sabayan sa indak, tugtog at iba pang mga criteria sa kahusayan ng street dancing.

Celebrating - Masskara Sa Bacolod

Celebrating – Masskara Sa Bacolod in Philippines

Ang salitang MassKara ay nagmula sa pagsasanib ng mga salitang Ingles na “Mass” para sa ‘ maraming tao ‘ at Cara , ang Espanyol na salita para sa mukha . Ang maskarang mukha ay kailangang nakangiti upang maipakita mga taga-Bacolod na kilala noon pa mang dekada 70 bilang “City of Smiles”. Ang taunang selebrasyong ito ay dinadayo ng mga dayuhan at inaabangan ng mga kababayan mapa loob at labas ng bansa. Ito ay isang napakasayang okasyon kung saan ang mga Bacoleños at mga pinoy na galing sa mga karatig na lugal sa bansa ay nagkakatipon tipon upang magsaya at makigalak dito.

Ang kapistahang ito ay nagsimula noong dekada 80 bilang tugon sa dalawang malaking krisis na tumama sa lalawigan ng Negros , una, ang lalawigan ay naghihirap dahil sa sobrang baba ng presyo ng asukal dahil sa kompetisyon, at pangalawa, maraming Negrenses ang namatay sa isang sakuna na kinasangkutan ng isang malaking barko, ang Don Juan. Sa pagdiriwang ng Masskara sa Bacolod, ipinakikita ng mga tao ang kanilang katatagan at kakayahang labanan ang anumang krisis na darating o dumapo sa kanilang buhay.

Festival in Philippines - Masskara Sa Bacolod

Festival in Philippines – Masskara Sa Bacolod.

– Send money to your loved ones in Philippines via Remit2Home Online Money Transfers

Advertisements

One thought on “Masskara Sa Bacolod

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s