Ano ang PDOS?

Overseas Workers Welfare Adminidtrstion

Sa mga nagbabalak lumabas ng bansa upang maghanap ng trabaho, dapat na inyong alamin, sundin at tuparin ang mga hakbang at patakaran na ipinatutupad ng gobyerno para sa mga OFWS upang maging matiwasay ang inyong pangingibang-bansa. Bago kayo sumakay sa eroplano, isa sa mga kailangang kumpletuhin ay ang pagdalo sa isang seminar na isinasagawa ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na kung tawagin ay Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS). Ito ay nagsisilbing gabay sa mga OFW upang maging maayos at maging madali ang kanilang pag-adjust sa bagong kultura sa bansang pupuntahan . Ang PDOS ay isang paraan ng pamahalaan para maihanda ang mga papaalis na OFW patungo sa ibang bansa sa pamamagitang ng pagbibigay ng mga sapat na kaalaman sa mga OFWs para maihanda ang kanilang sarili sa haharaping hamon sa ibang bansa. Kanilang malalaman sa pamamagitang ng PDOS ang mga mahahalagang impormasyon na sadyang makakatulong sa mga OFWS lalo na yaong mga wala pang karanasan sa abroad. Ang seminar na ito ay magsisilbing gabay upang ang mga OFWS ay maging matatag at listo, hindi matatakot,at maging mabuting manggagawa sa abroad, at tinatalakay din ang mga karapatan ng mga manggagawa. Ito ay obligadong seminar upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan sa ibang bansa at upang maprotektahan ang kanilang mga sarili lalo na’t sila ay mapapalayo sa kanilang mga mahal sa buhay ng matagal. Ang sinumang mayroong working visa at rehistrado sa POEA ay sasailalim sa seminar. Ang seminar ay nag-iiba base sa bansang pagta-trabahuhan at ito ay libre lamang.

Overseas Filipono Workers

Iilan sa mga paksa na tinatalakay sa PDOS ay ang mga sumusunod:1. Kung paano ang mga babae at lalake kumilos sa ibang bansa
2. Kaibahan ng relihiyon at pag-uugali ng iba’t ibang bansa
3. Kung ano ang gagawin sa mga kritikal na kondisyon
4. Kung saan pupunta o tumawag kung sakaling magkaproblema sa abroad
5. Kaligtasan sa pupuntahang bansa
6. Mga patakaran ng gobyerno sa pupuntahang bansa
7. Mga Karapatan bilang empleyado o manggagawa
8. Regulasyon sa immigration
9. Mga hakbang na gagawin pagdating sa ibang bansa
10. Klima o mga panahon at pananamit

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s