Kadayawan Sa Davao

Noong unang panahon, sinasabing ang mga katutubong naninirahan sa paanan ng bundok Apo sa Dabaw ay nagtitipon at nagsasagawa ng seremonyas at ritwal sa kanilang mga Bathala lalo na sa kay “Manama” na syang pinakamataas Na Bathala sa lahat. Ito ay upang magpasalamat sa masaganang ani na kanilang natatamasa. Sila ay nagsasayawan at nag-aawitan upang ipagdiwang ang kanilang kasiyahan sa mga biyayang natanggap. Iba’t ibang mga produkto sa pagsasaka tulad ng mga prutas, bulaklak, mga gulay, bigas at butil ng mais ay nakalatag sa banig habang ang mga katutubo ay nagbibigay pugay at paggalang at pasasalamat o” pahinungod” para sa kasaganaan ng taon.

Festival in Philippines - Kadayawan Sa Davao

Festival in Philippines

Lumipas ang maraming taon, kahit naging moderno ang lahat, ang mga Dabawenyo ay nananatiling nagsasagawa ng seremonya ng pasasalamat. Ang tradisyong ito ay naging isang taunang kapistan na tanyag sa buong bansa at sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito ay ang “Kadayawan sa Davao”. Ang “Kadayawan” ay nanggaling sa salitang Mandaya na “Madayaw” upang ipaliwanag ang isang bagay katulad ng “ maganda, mahalaga, mabuti, at magaling. Ang kapistahang ito ay nagsisimbulo ng pagdiriwang sa buhay, pasasalamat sa mga yaman at biyayang natatamasa, masaganang ani ng mga pananim, at kapayapaan sa buhay. Noong una, ang kapistahang ito ay tinawag na “Apo Duwaling” na nanggaling sa pinakatanyag na mga simbolo ng Dabaw, ang Bundok Apo, prutas na Durian, at bulaklak na Waling-waling. Noong 1988, ang kapistahang ito ay pinalitan ng “Kadayawan” upang ipagdiwang ang masaganang ani ng Davao. Hanggang ngayon ang “Kadayawan” ay patuloy na ipinagdiriwang upang parangalan ang lungsod na mayaman sa iba’t ibang artistikong kultural at makasaysayang pamana sa isang enggrandeng pagdiriwang ng pasasalamat. Ang kapistahang ito ay dinadayo ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas at dinadayo rin mga dayuhan upang makisaya sa napakalaking selebrasyon na ginaganap tuwing buwan ng Agosto.

Festival in Philippines - Kadayawan Sa Davao

– Send money to your loved ones in Philippines via http://www.remit2home.com/remittance/jsp/r2h_corridorHome.jsp?destcountry=PH~PESO~Philippines&orgcountry=US~USD~United+States

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s